top of page

Diabetes frequently asked questions

Ano ang HbA1c?

Ang Hba1c ay isang blood test na gianagamit sa pag diagnose ng diabetes, at para malaman ang kontrol ng diabetes. Click here for more information: https://youtu.be/vEexvjbpZlU

Ano ang blood pressure target in general sa mga patients na may diabetes at hypertension?

Ayon sa ADA at AHA ang target blood pressure ay BELOW 130/80. Important na ang management ay individualized at makamit ito safely. Click here for more info : https://youtube.com/shorts/YXhrERdsaWo?feature=share

Ano ang blood sugar goals pag may diabetes in pregnancy?

Ang blood sugar goals (CBG) ay iba bago kumain at after kumain. Click here for more details : https://youtube.com/shorts/gm0EdjBDxmk?feature=share

Ano ang fasting blood sugar (FBS)?

Ang FBS ay isang blood test to diagnose diabetes. Click here for more information: https://youtu.be/5HoBxgyd8rQ

Ano ang fatty liver at association nito sa diabetes?

Ang diabetes ay isang risk factor sa pagkaroon ng fatty liver at pamamaga nito . Click here for more information: https://youtu.be/lWMlk2iXD6E

Ano ang side effects ng Metformin?

Ang side effects ng metformin ay mostly related sa tiyan at bituka (diarrhea, kabag, nausea, sakit sa tiyan). Click here for more information :https://youtu.be/HLW2J8vocy8

Bakit ang Metformin ay isa sa unang mga gamot na binibigay ng mga doctor?

Ang Metformin ay safe at effective na gamot for Type 2 Diabetes. Mura, very available, at maraming combinations ito. Click here for more info : https://youtube.com/shorts/nlSGwJsaDmc?feature=share

Bakit binibigay ang Metformin sa may Type 2 Diabetes ?

Binibigay ito ng mga doctor para ma control ang diabetes at maiwasan magkaroon ng complications like dialysis. Click here for more information : https://youtube.com/shorts/5lw8LdXUByA?feature=share

Bakit ihi ng ihi pag mataas ang blood sugar (glucose)?

Dahil sa taas ng blood sugar (glucose) hindi na kaya ng kidneys ibalik lahat ng ito papunta sa dugo. Click here for more info : https://youtube.com/shorts/u5MggD5Uswg?feature=share

Bakit kailangan kontrolin ang diabetes ng matagal?

Ang mga complications ng diabetes ay stroke, heart attack, chronic kidney disease, blindness, foot nerve damage at amputation. Hindi kaagad nangyayari ito, ngunit pag nangyari na maaring hindi na totally mabalik sa dati.

Bakit prone tumaas ang blood sugar (glucose) habang buntis?

Ang pregnancy ay isang stress test sa ating katawan , kung gaano ka effective ito sa pag-kontrol ng blood sugar. Click here for more information : https://youtu.be/Erh1szItTiU

Paano mag inject ng INSULIN PEN?

Ready-Lock-Load-Aim-Fire-Secure. Click here for full video : https://youtu.be/Omq6WGWExzI

Project Diabetes PH

👨‍⚕️ Si Dr. Mar Carrasco ay isang licensed na Internal Medicine specialist, at Endocrinologist. Specialist po siya sa paggamot ng DIABETES at THYROID disorders.

 

👌 Ang Project Diabetes PH ay isang website na naglalayong maipamahagi sa mga Filipino ang wastong kaalaman tungkol sa DIABETES, at paano MAIWASAN ang COMPLICATIONS ng DIABETES.

 

🛑 Paalala sa mga tumatangkilik ng website na ito:

1. Ang mga impormasyong nilalaman ng page na ito ay para lamang sa EDUKASYON.

2. Hindi ito kapalit ng konsultasyon sa iyong doktor. Suriin ang impormasyon at mag desisyon sa iyong kalusugan kasama ang iyong doktor.

3. Ang impormasyon dito ay hindi sa anumang paraan sumasalamin sa mga pananaw at paninindigan ng mga organisasyon kung saan siya kaanib.

 

Salamat!

©2022 by Project Diabetes PH. Proudly created with Wix.com

  • alt.text.label.YouTube
  • alt.text.label.Facebook
  • alt.text.label.Twitter
bottom of page