Ano ang HDL cholesterol at triglycerides?
- Project Diabetes
- Apr 12, 2023
- 1 min read
Ang HDL ay isang type ng cholesterol, na kumukuha ng ibang cholesterol sa dugo papunta sa liver para ma metabolize. Dahil dito gusto natin mataas ang HDL or good cholesterol. May mga pag-aaral na maaring tumaas ang HDL pag may regular exercise.
Ang triglycerides ay isang type of cholesterol na tumataas pag mataas ang blood sugar (glucose). Dahil ang extra sugar sa dugo ay ginagawang triglycerides. Kaya madalas pag uncontrolled ang diabetes mataas ang triglycerides. Tumataas din ito pag malakas sa uminom ng alak kumain ng oily at fatty food. May association ang mataas na triglycerides sa risk ng stroke and heart attack lalo na pag may ibang risk factors.







Comments