Paano mag inject ng Insulin Pen properly?
- Project Diabetes
- Dec 28, 2022
- 1 min read
Updated: Dec 30, 2022
Maraming mga hadlang sa insulin therapy. Ang mga halimbawa ay kumplikado, magastos, takot, at maling impormasyon tungkol sa pag inject ng insulin. Ang problema may mga pasyente talaga nangangailangan ng insulin. Narito ang ilang mga sitwasyon na likely nangangailangan ng insulin :
1. Type 1 diabetes (T1DM) o pinaghihinalaang T1DM. 2. Napakataas ng asukal sa dugo na may kasamang pagkawala ng timbang o catabolic symptoms. 3. Mga pasyenteng may malubhang sakit sa bato at diabetes na hindi kontrolado ng oral therapy lamang. 3. Mga pasyenteng may malubhang sakit sa atay at diabetes na hindi kontrolado ng oral therapy lamang. 4. Pagbubuntis na may diabetes at hindi kontrolado ng diyeta lamang.
5. Mga pasyenteng may diabetes na hindi makontrol ng tablet lamang, kahit full dose na ito.
Kapag ang mga pasyente ay may malubhang sakit na sa atay o bato, maraming mga gamot (tablet) ay hindi na pwede ibigay, samakatuwid ay nalilimitahan ang mga pagpipilian. Kung isa ka sa mga pasyente na nangangailangan ng insulin, sana makakatulong kami sa pamamagitan nitong pictures at video kung paano mag inject ng insulin pen. Salamat!
Please share.




Here's a video kung paano mag inject ng INSULIN PEN. Salamat!







Comments